Tungkol sa panalanging ito
The Apostles’ Creed is a profession of Christian faith in God the Father, Jesus Christ and the Holy Spirit. It also professes faith in the Church, forgiveness, resurrection and eternal life. The Rosary begins with this confession of faith.
Alamin pa: Prayer background & source ↗
Teksto ng panalangin
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat.
Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao.
Sumasampalataya naman ako sa Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.
Makibahagi sa panalangin
Gamitin ang buong teksto sa itaas. Sa sama-samang pagdarasal, isang tao ang babasa ng bahaging Namumuno sa panalangin at sasagot ang lahat. Kung mag-isa, basahin ang parehong bahagi. Huminto sandali sa pagitan ng mga panalangin.
Simulan ang panalangin ↑
